myworld
<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30





Image hosted by Photobucket.com


My Baby


Aldous the Man!!!


Butchok d Blogger!!


  • Simpleng Tao

  • Tahimik pero makulit!!

  • Addict sa videoke

  • Mahilig makipag-kaibigan

  • Madaling magtiwala

  • Ayaw sa di marunong makinig

  • Ayaw sa Plastik na tao!!

  • Higit sa LAhat POGI joke lang!!


  • ------------------------------------------------


    Malayo man...
    malapit din.



    Ganito na ang buhay ngayon..
    san ka man magpunta.... wala ng
    dahilan para di ka maabot,
    Andyan na ang cellphones, computers
    (syempre kailangan may internet.).
    ano pa ba? marami pa kung tutuusin.
    Ngunit, mas may dating kung ang
    kapangyarihan ng BLOG ang pagaganahin mo.....
    May karagdagang

    LAKAS... at ANGAS!!



    ------------------------------------------------


    MY PLAYLISTS


    Photobucket - Video and Image Hosting


    Lyrics Search







    Contact Me
    If you want to be updated on this weblog Enter your email here:

    rss feed
    Thursday, November 30, 2006

    Bagyo... nasirang plano.


    May bagyo daw ngayong araw na to... sinuspinde ang lahat ng klase ng maaga ( at least a day before nung bagyo "daw" well totoo ngang may bagyo hehehe.. yun nga lang lumihis ( thank GOD!! ) di natin kasi alam kung ano at gaanong pinsala ang maaring idulot ng bagyong " reming". akala ko nga tutuloy na yung bagyo dahil kakaiba ang kulay ng langit... bahagyang madilim. kaya ayun ang  date ko ngayung gabi ay napurnada... balak sana naming manuod ng GF ko ng Happy Feet. Maganda daw kasi yun ayon sa nabasa ko... ... kwento ng isang penguin na may  most horrible singing voice... eh ang dapat sa bawat isang penguin sa tribe nila ay may magandang boses sa pagkanta... eh ang talent nya ay pagsasayaw at duon sya talagang magaling.... ayun naging outcasted sya sa tribe at napadpad sa isang tribe ng mga penguin na hindi requirement ang magandang boses... the rest is mga adventures nya na siguro para ma recognize sya as member ng tribe na dating kinabibilangan nya. di ko pa alam yung ibang twist ng wento. according lang lahat ng yun sa nabasa ko. Balik tayo sa original theme ng entry ko wahahaha..... ayun di ko na pinaalis ng bahay yung GF ko baka kasi mapaano sa daan... malaking konsensya ko yun....at ayun imbes na nagsasaya na ko sa oras na to... nandito pa rin ako sa opis... well one thing na dapat kong ipagpasalamat eh nakapagbasa ako ng blog at nakagawa ng entry... bukas na lang kami mag gagala... buti naman para di ako pagod... Saya wala pasok bukas at may SWELDO na... kahit di ako satisfied sa amount na nasa pay slip ko...at sana wag mag iba ang panahon bukas... sana gumanda at makisama...hay... makauwi na nga at ng maka kain na ... nagugutom na ko.




    Posted by avdeinla at 5:07 am
    Comments (4)



    Saturday, November 18, 2006

    Multo sa EUROTEL?


    I don't know kung paano ko sisimulan tong bago kong entry... kasi medyo kinikilabutan pa ako sa na-captured na image ng camphone ko. Yesterday kasi I asked my Girlfriend na samahan ako sa bahay ng dati kong classmate ( nung highschool ). well... kasi birthday nung tao.. then napagdesisyunan namin ng girlfriend ko ( prior sa okasyon)  na instead na umuwi kami after the "inuman" eh mag ch-check-in na lang kami sa isang motel sa cubao para sabay na kami pumasok kinabukasan sa kanya-kanya naming pinapasukan. to make the story short, dun nga kami nauwi...my GF picked the EUROTEL while i was in a "protesting mode" mahal kasi, but she insisted na sya na magbabayad ng kalahati. ayun habang nagpapahinga ako na nakahiga, i didn't notice right away na vini-video at pinipicturan ako ng GF ko. i asked her to delete the pics, mahirap na.. at nung nag kakulitan... i decided to get my own phone and took our pics together. I remembered once my GF commented to one of my shots that she looked like the woman in "The Grudge" . kasi she was leaning on my left arm na medyo tago sa dibdib ko yung mukha nya at bahagya lang ng mukha nya yung nakikita kasi natatakpan din  ng buhok nya. Magkahiwalay na kami at nasa office na ako nung naisipan kong tingnan yung pics. To my horror, yung pic na sinasabi ng GF ko eh may parang babaeng nakaputi at naka takip yung mahabang buhok sa mukha nya... may salamin kasi yung headboard ng kama ay dun mo makikita na may parang nakatayo ngang babae sa tabi ng lamp.. ( tumatayo na naman balahibo ko. ). nung iniscroll ko yung isang pang pic may maliwanag namang mukha ng lalaking nakasideview na tila naka tanghod. Syeeeeet... i have to finish this entry na... nakakakilabot kasi. habang sinusulat ko to ay di pa alam ng GF ko yung natuklasan ko. i don't have an idea kung paano ko sasabihin kasi matatakutin yun hehehe.

    kinulayan ko na lang yung pics namin.. DYAHE eh.




    Posted by avdeinla at 3:31 am
    Comments (7)



    Thursday, October 19, 2006

    Rockin...? or Burnin??


    Isa bang pangkatuwaan ang makita mo ang sarili mo sa ganitong anggulo?... malayo sa dating batang laruan ang laging kapiling..... isang kaibigan ang mayroong larawang kinakitaan ko ng ganitong tagpo... naisip ko... napaka cool tingnan .. sigarilyo ang hawak habang  ramdam ng nakatingin sa larawan ang pakiramdam na hatid ng isang bisyong mahirap iwasan.... at ako'y hindi makapaniwala na iba ang aking mararamdaman nung nagbibiruang kunan ako ng litrato gamit ang aking cellphone ng isang kainuman habang ako'y halos nasa eksaktong porma ng larawang aking nabanggit. --- hawak ang sigarilyo... habang ninanamnam ang isang bagay na alam kong walang magandang dulot sa aking pagkatao.... habang ako'y nakatitig sa larawan.... napag-isip ang ilang bagay..... ( ngunit palagay ko'y wala pa rin... ).

    notice: the image has been sharpened.

     




    Posted by avdeinla at 7:37 am
    Comments (3)



    Sunday, October 15, 2006

    Songs... sync with life


    The only constant in this entire world??... CHANGE. I admit i really don't have a good idea on how i am gonna make this entry worthy to read on. Well what i have in my mind is... i wanna change the world.. i want to live away from my current problems... I want to stay alone... well that would be for now. I know there will be a time coming to heal my spirit. I want someone who will "save me from the nothing i've become"... someone who will breathe me a new life, someone who will bring me to life like i used to be when i was with JILL. --- i've been missing that woman... the most astounding woman all i ever knew... unfortunately i lost her because she's suspecting that i am seeing someone else... hmmmmmmm it's a long story but i swear im not.. why is it impossible to change the world back from where it is at it's best... to the time when you are happy and contented, from the time you carry yourself with incomplexity. I want to change my life maybe for the better... i'm tired of this life.. can someone took the weight of the world on my shoulder? My GOD... I know you are the only one who got that power.  So much for the sentiments, I would probably catch a light movie later.. at least to relax my non-stopping mind.




    Posted by avdeinla at 12:40 am
    Comments (2)



    Saturday, September 16, 2006

    Mang Jose


    Sobrang dami na talaga ang kailangang trabahuin sa opis. isipin ko lang na yung schedule ko eh kulang na sa isang trabaho lang. pero ano ito't naging apat ang trabaho ko. yung tatlo ay halos kinakaya ko na lang. pero di pa rin ako yumayaman ngorrkkkkks. masaya naman ang buhay ko kasi di ko pa rin kinalilimutan maki pag hang-out sa mga kaibigan ko kahit pa saglit-saglit lang. Sa mga kapatid  ko naman eh medyo diet akong nakikipag-kita kasi ang layo naman nila sa akin. pero syempre kahit tamad ako mag text eh lagi naman ako sumasagot sa text ng mga kapatid ko... ( nakokonsensya naman kasi ako. ) Naisip ko nga na para na kong nagiging super hero... kaya ayun minsan sa kasagsagan ng kabusy-han ko eh naisipan ko ngang gawing superhero ang ka-kosa nyo!!. para naman makita nyo kung anong kinahinatnan ilalagay ko na lang un sa ibaba nitong entry ko. Syangapala na mimiss ko na ang cellphone ko kasi pinahihiram ako ng kapatid ko sa mga kakilala ko ng digicam para daw sa final demo nya sa school. ( kaso sinabi nya eh halos last minute na.. kaya ala ako choice kundi ipahiram ang cellphone ko. sabi ko tingnan nya kung uubra na yon kung wala sya mahiraman. ). Buti na lang daw at ayos naman ung SE K700 kong unit. gusto ko nga palitan ng SE K750i kaso ala na budget. mas improved kasi yung K750i ng di hamak sa K700 ko... although halos parang magkapatid na rin.  Sa kagandahang loob naman ng kapatid ko ay pinagamit nya muna ako ng Nokia 3310 huhuhu. Hirap tuloy kumuha ng cellphone numbers ng mga tsiks kasi ang jologs ng unit kong gamit.. kulay violet pa! isang WWWWaaaaaahhng malupit talaga!. Nag ala superhero na naman kasi ko hekhekhek. Nahihiya kasi ako ipahiram kasi may mga sensored na videos doong naka save. ( babae pa naman ).. ang diskarte ko na lang eh nilagay ko sa folder at nilagyan ko ng file name na " OPEN TO DELETE ALL FILES".. bahala na  nerbyosa naman yun sa pag kalikot ng cellphone hakhakhak. .

     

    Photobucket - Video and Image Hosting



    Posted by avdeinla at 11:17 pm
    Comments (2)



    Saturday, September 09, 2006

    Rushed update ( a commercial. )


    Balak ko sana mag post ng isang pinag-isipang entry kaya lang ako'y may naalalang pupuntahan.. kundi pa nag text yung kasama ko. Ayun kaya nauwi sa isang PANGUNGUMUSTA sa lahat ng mga blogmates ko. Naghanap ako ng video actual footage nung death ni Steve Irvin ( isang sting ray ang ikinamatay nya at hindi crocodile na madalas nyang hinuhuli..- di para saktan kundi... i think  to promote na rin yung pagmamahal sa hayop gaano man ka dangerous. ) Sa kasamaang palad eh wala akong nakita kaya nag tyaga ako manood ng news sa CNN at ni record ko sa cellphone para naman mapanood ng tito ko na sobrang hilig sa "NEWS". bonus na rin yung pag record ko nung dalawang favorite episodes ko sa NARUTO. Sa uulitin... salamat sa mga bisita ko sa BLOG na ito. Latest update sa kin ay... medyo may bago akong crush sa isang babaeng napaka galing kumanta ( sya yung vocalist ng bandang nanalo sa "battle of acoustic band " sa school namin. At sa kagandahang palad eh text mate na kami at nag papalitan ng " Kumain ka na ba? at Ingat palagi " Hay.... sarap...



    Posted by avdeinla at 2:54 am
    Comments (3)



    Saturday, September 02, 2006

    Sapul Ni Kool Rose ( Thugzzzzed )


    I'm special !!?? Child?? nyehehehe.. thanks for making me special "rose".. ngawks.

     

    Five items in my freezer:


    yelo,chocolate, ice-tubig, C2, kutsara.


    Five items in the closet:


    white briefs, keys, photo album, my t-shirts, drawings.


    Five items in the car:


    i don't have a car. but if  i ever have one. i'll bring with my car lots of CD's, books, unan, portable TV, chichiria.


    Five items in my purse:


    coin purse/wallet, cellphone, panyo, ID's, keys


    Five friends to tag up  Peach, Edelweiza, Rachel, Larry, Airwind  




    Posted by avdeinla at 11:22 am
    Comments (5)



    Saturday, September 02, 2006

    Welcome to CEBU, My first air experience


    Expect the unexpected. Lagi ko nasasabi yan sa lahat ng oras.  Gaya na lang nung last Saturday... hindi ko akalain na makakapunta ako ng CEBU at first time ko pang sasakay ng eroplano.  Nalibre lang kasi ako ng ticket ng Barkada ko sa school na si Mario. Dati nya na akong inaaya na sumama mag bakasyon sa CEBU at nabanggit nya nga ( parang three months ago pa yun.)  na sa Fiesta ng barangay nila sa ( Balamban, Cebu ) marami silang uuwi at maaga raw sila bibili ng ticket kasi may promo ang Cebu Pacific na back and forth na ticket sa halagang P 1600.00. sinabi nya rin na i rereserve nya raw ako if ever na may sumobra. ayun dahil sa pakiramdam ko naman ay matagal pa yung Fiesta... nakalimutan ko na halos yung bagay na yun.  tapos nung three days na lang bago yung okasyon.. napabilis ang desisyon ko na sumama kahit medyo nag-iisip pa talaga ako kung dapat nga ako sumama o hindi kasi nakakahiya. ayun at walang nakaalam sa mga kasambahay at kaopisina ko na umalis ako papuntang Cebu. ( maliban sa kapatid kong nakatira sa Tita ko. ).  Sabado ang alis namin pero nagtrabaho pa ako ng 8 am to 1 thirty tapos dumiretso pa ako ng San Mateo Rizal sa bahay ng kaklase ko para naman gumawa ng Helical Antenna para sa Broadcast Engineering Subject ko. Namili pa ng mga gamit, pumunta ng Hardwares, JUnk shops at kung saan saan pa. tapos naglagare ng mga gagamitin, nagsukat ng kung ano-ano. ang bilis ko tuloy gumawa ng project kasi kailangan Five PM ay nasa pasay na ako ( sa bahay nila Mario ). hayun sobrang toxic na ko kasi ang layo ng byahe tapos 3 thirty na ko naka-alis sa San mateo... umuulan pa. nakakahiya  namang mag back-out tsaka gusto ko ring makapunta at sumakay ng eroplano ( ang lakas talaga ng impact pag first time nyehehehehe ). ayun nakarating na nga ako ng Cebu finally at ang masasabi ko maganda naman. parang nasa Maynila ka rin pero less yung kalat at trafic. pero dun sa Balamban which is an hour from Mactan Airport sa Lapu-lapu City. maganda rin at mas mararamdaman mong probinsya ang pinuntahan mo dahil medyo bulubundukin ang daanan. Kilala pala ang pamilya nila sa Lugar nila.. siguro isa na dun yung mayaman sila at mabait ang pamilya nila. ( kawawa nga lang yung barkada ko kasi di natuloy yung ine-expect nilang baby. namatay sa tyan yung bata at naospital yung asawa nya one week bago kami tumulak papuntang Cebu... mabuti nga lang at mabilis lang sya nakarecover.kaya nakasama pa rin pauwi ng cebu. Enjoy pa rin kahit hindi ako nakapasok ng Monday at Tuesday sa school at trabaho. Monday kasi yung pinaka Fiesta. puro inom at nag disco kami hanggang four am. ( kaya lang ala ako Tsiks kasi may tinutukso sa kin yung barkada ko na kasambahay nya at pinag partner kami sa disco ) e ako pa naman kapag related sa mga kaibigan ko e di ko kayang taluhin kaya wholesome ako magdamag. nahiya naman akong makipag kilala pa sa iba pero in fairness naman dun sa babae.. may dating naman sya para sa akin...maganda rin naman tapos mahaba kasi ang buhok nya at mabango. yun lang share ko ngaun.... dito na ko Maynila ulit... trabaho..... trabaho... aral.... trabaho..... aral... lingon-lingon sa tsiks.... wala pera eh hehehe.   




    Posted by avdeinla at 8:49 am
    Comment (1)



    Saturday, July 29, 2006

    BLOG HOP!!


    Nag blog hop ako ngaun... i tried to visit different bogsites as many as i could ... hay... balak ko sana maligo ngaung gabi bago matulog kaso nanakit na ang balikat at likod ko sa kaka-type ng comment.... sa tag board  and finally gumawa ng entry na to.( i'm not actually complaining... nag s share lang ). Pasensya na sa mga nakaligtaan kong bisitahin.... di ko naman kayo kinalilimutan ( ngawks). naku puyat na naman ako hehehe.. may a attend -an nga pala akong binyag bukas.... di man lang ako nakapag relax... ( naku may cash pa ba ko sa wallet?? ) wahhhhhh konti na lang.. peace sa magiging inaanak ko. ( basta may paraan yan hehehe). di pa rin naman nga pala ako inaantok... kasi imbes na magtrabaho ng maayos kanina... natulog ako sa ilalim ng lamesa sa opisina. from 2 to 5 thirty ng hapon... hmmmmm sarap matulog... bumawi lang ako kasi nag inuman kami ni laryuki sa bahay nila... 4 am na kami natapos at... sabi ko i alarm nya cel nya dahil may pasok ako ng 8 ng umaga. ( ayaw kase mag -on ng cell ko sira yata.) hayun 8:15 na ko nagising kaya 10 na ko dumating ng office. (dyahe tuloy sa boss  ko..) . sige dito na lang muna kasi pagod na kamay ko... nood muna ko NARUTO. CIAO!!



    Posted by avdeinla at 7:42 am
    Comments (4)



    Friday, July 28, 2006

    NARUTO Mode


    Tanong ko sa sarili ko... bakit ngayon lang?..... bakit ngayon ko lang pinansin ang Naruto?. well, huli man ako sa byahe satisfied pa rin ako tuwing nanonood ako ng naruto sa youtube. hulog talaga ng langit ang youtube.com. almost a month na akong masugid na nanonood. Bawat episodes ng Naruto ay ninanamnam ko. sa trabaho man o sa internet cafe. wala kasi akong CDs. (saka na ko bibili... may libre pa namang napapanuoran ). One time naisip ko lang na.. kung ano ba meron ang palabas na yun at bakit yung kaklase ko dati eh laging daldal ng daldal sa klase na ang topic eh Naruto. hayun sa trabaho nung ako na lang mag isa at pauwi na ko naisipan kong i type sa youtube yung naruto at presto lumabas yung maraming episodes na naka upload.. try ko ulit search "naruto 1" at napunta na ko sa unang episode... nanood.... pilit inintindi yung mga salita na nakasulat sa ibaba ng video habang japanese (ata) naman ang sinasabi nung mga tauhan. Nagustuhan ko obviously kasi sa ngayon ay nasa episode 187 na ako and counting pa yun.... at isa pa mas hinahanap ko na yung video na japanese ang salita.. ewan ko mas enjoy ako sa salita ni naruto. lalo na yung expression nya na laging may word na "tebayo". by the way.... can someone from this blog world know what was that word mean? I am so  fuckin curious about it.... i even emitated naruto say that word. Kage bunshin nin jutsu (clone/replication), that is Naruto's best technique for me besides rashingan and animal summonings. but my favorite is the one which turns Naruto into a beautiful-naked  lady. hehehe. hay, sa dami ng episodes nun.. i better choose not to talk about the story. pero kung pwede sana matutunan yung kage bunshin. pag aaralan ko yun kse malaki magiging benifit nun. Isa yung nag-aaral, may pumapasok dito sa office at nag b blog hehehehe., may nandun sa piling ng chiks, bandmates at naglalasing, meron din naglalaba at namamlantsa, may artista syempre hahaha. at kung ano pang carreer na pwede. Wew... may tama na naman ako. (punta ko kina Laryuki. may matador daw sya sa bahay nila. sige till next time. )




    Posted by avdeinla at 5:31 am
    Comments (5)




    Next Page
       

    Dito Magparamdam /\

    Welcome to my Blog. Happy reading!!



    Image hosted by Photobucket.com


    www.flickr.com
    This is a Flickr badge showing public photos from adot_6106phil. Make your own badge here.

    Blogmates KO!


    BLOG Fueled By:



    Please have a break!!